Wednesday, July 20, 2011

BUHAY NG MARALITA SA PAMPUBLIKONG OSPITAL


Lunes ng gabi Hulyo 18, 2011 alas sais (6) ng gabi.. masaya kaming nanonood ng tv. nag-aantay sa kuya kong bumili ng ulam Pritong Manok; di nagtagal dumating na sya at nag umpisa na kaming kumain. Masaya at nagtatawanan di alam ang mangyayari; pagkatapos kumain bigla kaming nakaramdam ng kakaiba sa aming tiyan at si papa biglang nagsusuka at nagtatae.

Buong gabi kaming di nakatulog sa sakit ng tiyan nawala din naman  nung uminom kami ng gamot pero si papa di niya kinaya hanggang umabot ang umaga tumawag na ako ng 911 ambulansya at dinala namin si papa sa SPMC (dating DMC o Regional Hospital). Di ko sana gusto na dun dalhin kasi marami na akong naririnig na di maayos ang sistema dun sa pag gamot sa mga pasyente at marami na raw ang namatay kahit di naman malala ang sakit pero "I have no choice" dahil walang wala din ako kaya sinubukan ko.

Alas otso(8) ng umaga dumating kami sa Emergency Room at pinahiga papa ko sa maliit na kama. Habang ini-interview ako ng doktor (di ako sure kung doktor ba yun), anyway, habang nag-uusap kami at nagsusulat sya binigyan nya ako reseta nga gamot "paracetamol" at may iba pa. napakaraming pasyente halos dikit-dikit na ang higaan nilal halo-halo ang mga maysakit, maingay dahil may umiiyak at umuuongol sa sakit na nararamdaman.

Lumipas ang ilang oras nakaupo lang ako habang tumitingin sa sa ibang pasyente at sa papa ko na naghihirap sa sakit na nararamdaman. Umabot na ng tanghali nabili ko yung gamot na nireseta at nilapit ko sa "nurse station" sabi nila... "antayin mo lang roving nurse na lalapit sa inyo" naghintay din ako... alas3 ng hapon lumapit ulit ako sa nurse station mahinahon akong nagtanong  ba't di pa nalapatan ng gamot papa ko biglang tumaas boses nung bading na nurse "Wag kang humarang dyan kasi di makadaan ang mga pasyente!" umalis ako at bumalik sa papa ko, naawa na ako kasi naghihirap na papa ko sa sakit na nararamdaman niya. 

Alas 5 ng hapon di ko na natiis bumalik ako sa nurse station at sinigawan ko mga nandun. . . "ANO BA GAGAMUTIN NYO BA PAPA KO O HINDI? KANINANG UMAGA PA KAMI DITO GAGABI NA LANG WALA PA RING TUMINGIN SA PAPA KO!" dumating ang doktor at tiningnan papa ko at kinunan ng laboratory request. Naisip ko "effective kaya ginawa ko?" kailangan pa bang gumawa ng ganun para lang makuha atensyon nila? Napakahirap pala maging mahirap kasi di ka maaasikaso; ito ba'y dahilan sa kawalang sistema o kakulangan ng mga doktor dito sa pinas dahil nag aabroad na sila lahat.

Masakit loob ko habang nakikita ko papa ko na naghihirap sa sakit at di inaasikaso, magtatatlong araw na kami pero hanggang ngayon wala pa ring resulta kung ano dahilan ng kanyang sakit. Kung mayaman lang sana ako gaya ng napapanood ko sa tv. na halos minu-minuto inaasikaso ng mga doktor kaso ito lang makaya ko. 

5 comments:

  1. PERRY, i feelyou. I am so sorry for your papa. I hope he gets well the soonest. tama ka. May problema ang systema natin sa mga pampublikong hospital. Its not about poverty Pe, but its about the system. Thank you for sharing this. Sana pumukaw ito ng atensyon ng mga taong nararapat na baguhin ang systema dili kang sa SPMC but the rest of the government hospitals in the country.

    ReplyDelete
  2. The problem is not lack of doctors or nurses or them going abroad. Daghan healthcare professionals sa Pilipinas.

    Ang problem is the system. Ang mga hospitals mismo ang dili gusto maghire ug additional doctors and nurses to save money. In fact, it is the nurses who pay these hospitals para make-duty sila sa hospital mask walay sweldo.

    Anyway, I'm sorry to hear about your father's illness and your experience sa public hospitals. Kung naa na lab results, please PM me or Brendel sa Facebook kung unsay nakabutang. Perhaps we can help you understand your father's situation. We are nurses, Brendel and I.

    ReplyDelete
  3. THAT SPMC is a whole chicken shits!

    I have experienced that before perry when My father brought a friend to that hospital all the way from Davao Oriental after he had a road accident.

    The nurses do not know their colleagues. A nurse turned over us to a room to have an X-Ray sa head. We've waited. When a doctors comes, he simply said " WALA KAMI NITONG XRAY na yan, sino ba nagpapasok sa inyo dit" Damn it!

    Nagbuntag intawon mi naghulat sa roving doctor!!!

    From DMC to SPMC...pa gwapo lng ug pangalan. Pero ang service mao pud kapangit.

    ReplyDelete
  4. may kakilala po ba kayong doktor na nag ibang bansa na pwede ko mainterview sa facebook? kindly pm naman po ako. Im a journalism student po and kailangan ko lang ng info para sa position paper ko. salamat po. God bless :)

    ReplyDelete