Thursday, July 7, 2011

KAMAO NG AGILA!

Di lingid sa lahat ang mga nangyayari sa Pugad ng AGILA, Baha na naging dahilan sa pagkamatay ng halos 30 residente ng Matina.


Dumagdag pa ang marahas na demolisyon na kung di napigilan ni Inang Agila ay siguradong kakalas pa ng maraming buhay... Di man maiintindihan ng marami ang ginawa ni Inday pero para sa kanyang mga inakay ito ang pinakatamang paraan para maprotektahan ang kanyang mga anak sa kanyang pugad. 


Nagbubunyi ang mga taga Dabaw habang ang taga labas ay patuloy na bumabatikos. May pagkakamali man si inay pero di ibig sabihin na di na sya magiging ina.


Kay sherif, ikaw ay isang bayani dahil kahit labag sa iyong kalooban, nasaktan ka man, ang buhay mo'y naging kapalit na sanay mas marami pang masasaktan kundi napigilan ni Inang Agila, mabuhay ka sherif!


Masakit man ang KAMAO NG AGILA, sa mata ng ibang tao ngunit ito'y nagsisilbing gamot sa mga taong naaapi at nasasaktan ng mga Buwitreng nagmamay-ari sa Pugad ng mga Inakay na agila. Si inay ay patuloy na magiging ina kahit na sya ay kukutyain ng mga mata ng taga labas.


Mabuhay ka Inang Agila at mapalad ka Sherif!

4 comments:

  1. Mabuhay ang Davao!!!! Mabuhay ang mga Duterte!!!

    ReplyDelete
  2. Dabawenya in New YorkThursday, July 07, 2011

    Very nice! I love Davao!

    ReplyDelete
  3. the peace and order..i love davao!!!!!!!!!!!!

    ReplyDelete