Saturday, July 2, 2011

ANG TOTOONG MAYAMAN

Habang akoy naglalakad sa kahabaan ng Ilustre at kasa-kasama ko ang mga kaibigan kong mga Badjao (pero ang tawag ko sa kanila ay "GOODJAO" kasi di na sila namamalimos sa daan).

Biglang may lumapit na lalaki at may dala-dalang mga papel at binigyan ako.... bigla niya akong tinanong, "GUSTO MO BANG YUMAMAN?" sabi ko OO naman lahat tayo gustong yumaman, sabi niya ulit, gusto mo bang maging kagaya ko na mayaman? nabigla ako at medyo naguluhan sa tanong nya .. . ahhhh alam ko na may produkto itong ipapakilala.

Tinanong ko sya, totoo ka ba talagang mayaman? At proud n'yang sinagot tanong ko, "Of course I AM! Katunayan nga member ako ng Young Millionaires Club dito sa dabaw."


Sabi ko Kung totoo kang mayaman pakainin mo nga itong sampung (10) "Goodjao"(badjao) na kasama ko sa Mc Donald.. ..Bigla s'yang natahimik, at sinabi ko sa kanya; "ANG TOTOONG MAYAMAN YUNG MGA TAONG KAHIT KONTI LANG ANG PERA PERO MARUNONG MAGPAKAIN SA KAPWA."


"If a man shuts his ears to the cry of the poor, he too will cry out and not be answered." -Proverbs 21:13   



2 comments:

  1. tama ka diyan..mga kuripot ang marami ng pera pero ayaw ishare sa iba lalo na kung nangangailangan..

    ReplyDelete