buong gabing naglalakad
walang patutunguhan
di alintana ang mga busina ng jeep
at tikatik ng ulan sa bawat hibla ng buhok
nakakuyom ang mga palad
luha'y di pansin
kalabog ng dibdib, bulwak ng sidhi
isipan ay ligalig
nginig ng kalamnan ay nagsusumidhi
bawat pintig ng puso ay naghuhumiyaw
sa sakit na nadarama ng pusong nagdurusa
san ka na? san ako pupunta?
hanap ka ng pagsusumamong puso
sana'y marinig mo
ang iyak ng pusong lumuluha
sa tago
don't regret for the love you gave...it is the act of self giving...the more you give the more you gain and you do not become less of who you are and it end up for being complete...
ReplyDelete