Sa isang lugar na malayo sa siyudad, may isang maliit na barangay na tinawag na "barangay mapagmahal" dahil ang mga tao dito ay namumuhay na mapayapa at namumuhay na may pagmamahalan sa isat-isa. Si Nida isang mapagmahal sa mga magulang ay lumaking may pananaw sa buhay na "ang bawat tao ay may pag-asa". Mahirap lang sila at tanging ang ikinabubuhay nila ay pagsasaka sa bukirin.
Nag-aaral si Nida sa isang pampublikong paaralan. SI Nida ay isang "working student" nakapagtapos sya sa sariling pagsisikap; mahal na mahal niya ang kanyang mga magulang at may takot sya na mag-asawa dahil ayaw niyang iwanan ang kanyang mga magulang dahil matatanda na sila.
Lumipas ang mga araw naging ganap din si Nida na isang "Nurse" at nakapag-abroad; nang makaipon umuwi sa kanilang baranggay at sabi niya sa sarili niya tutulungan niya ang mga katulad niyang mahihirap at pagsisilbihan ang mga magulang niya habang ito'y nabubuhay. Di kalaunan, naging mabuti naman ang trabaho ni Nida bilang isang nars sa isang pampublikong ospital sa kanilang baryo; kahit maliit ang sweldo pero pinagsisilbihan niya ang kanyang mga kababaryo.
Isang araw may isang lalaki na napadpad sa kanilang baryo na nakita ng kanilang mga tanod na inaanod sa baybayin; buhay ito at dinala sa kanilang maliit na ospital at si Nida ang nag-aalaga sa lalaki. Araw-araw niyang sinusunod ang mga nakalistang dapat gawin para sa pasyente niya hanggat umabot nga tatlong buwan sa pag-aalaga sa lalaking pasyente niya. Naging masaya sila araw-araw na nag-uusap, biktima pala ang lalaki ng mga pirata sa dagat at halos tatlong linggong palutang lutang hanggang mapadpad sa kanilang baryo.
Sa araw-araw nilang pag-uusap, napansin nga lalaki na di na niya nakikita si Nidang nagdadala ng listahan ng dapat gawin o anumang gamot na iinumin sa araw-araw; at tinanong niya si Nida bakit di na siya nagdadala ng lisatahan sa araw-araw na gagawin sa pag-aalaga sa kanya. . .. " Nida ilang linggo na kitang di nakikitang nagdadala ng listahan sa mga dapat gawin para alagaan ako, ano pala ginagawa mo?".. . Ngumiti si Nida, at mahinahong sinagot ang lalaki. .."PAG MAHAL MO BA ANG ISANG TAO, KAILANGAN KA PA BANG UTUSAN O BIGYAN NG LISTAHAN PARA ALAGAAN SYA?"
AND THEY LIVE HAPPILY EVER AFTER! =)
Ang kwentong ito ay hango sa mga usapan sa kanto na binigyan ko buhay at panibagong rendisyon sa pagsusulat at naway may makukuha kayong aral, maraming salamat po!
magandang kuwento..
ReplyDeleteAwesome... Love the lilting manner!
ReplyDelete